Kabanata 15
Mga Tauhan
Ginoong Pasta
Naging alila siya ng mga prayle habang nag-aaral bago siya naging pinakatanyag na abogadong Pilipino. Dati siyang kaklase ni Padre Florentino. Mapanuri at namimili siya ng kausap. Takot siyang mamagitan para sa kaunlaran ng mga mag-aaral at walang malasakit sa kanilang iniisip na kabutihan.
Isagani
Siya ay isang estudyante na gustong ipatupad ang akademya ng wikang kastila sa mga paaralan. Isang malalim na makata at manunugma. Mahusay siya sa pagpapahayag ng kanyang pinaniniwalaan kaninuman. Matuwid siya at ayaw sa likong paraan sa pagkakamit ng adhikain. Pamangkin siya ng butihing si Padre Florentino.
Suliraning Panlipunan
Kung minsan, ang sarili lang natin ang ating iniisip o tayo ay nagiging makasarili.
Maraming taong tumitingin sa pansariling kapakanan at winawalang bahala ang ikabubuti ng bayan.
Rekumendasyon/Suwestiyon
Dapat isaisip na mahalaga ang bawat isa. Hindi mabuti kung ang sariling kapakanan lamang ang ating iniisip. Ngunit, ang pagiging makasarili ay nagdudulot din ng mabuti. Dapat natin isaalang-alang ang ating mga sarili dahil may mga sarili rin tayong buhay. Huwag nating ilaan ang lahat ng oras natin sa iba dahil kung minsan, nakakalimutan na natin ang ating sariling kapakanan at ginugugol ang oras sa wala.
Ipaglaban ang pinaniniwalaan kung alam mong ika'y nasa tama. Huwag magdalawang isip na ibahagi ang iyong iniisip.
Si Ginoong Pasta
Talasalitaan
Mga Mahahalagang Pangyayari
Nagtungo si Isagani sa opisina ng mananaggol na si Ginoong Pasta.
Inilahad ng pabuod ni Isagani ang mga nangyari habang pinakikiramdaman ang naging bisa ng kanyang mga salita sa abogado. Nakinig itong mabuti at kahit alam ang kilusan ng mga estudyante, nagkunwari itong walang alam para ipahalata agad sa binata na wala itong pakialam sa gawain ng kabataan.
Subalit nang malaman nito ang kailangan nina Isagani at marinig na may kaugnayan sa proyektong Akademya ang Biserektor, ang mga prayle, ang kapitan heneral, napakunot-noo't napabulalas ito.
Binigyan ni G. Pasta ng payo si Isagani ukol sa kanyang sadya.
Nais ni Isagani na maaprubahan ng manananggol ang nais nilang Akademya ng Wikang Kastila ngunit nabigo siya dahil nagpasiya ang abogado na huwag makialam dahil sa maselan ang usapan.
Sinadya ito ni Isagani upang pakiusapan na kung maari ay mamagitan siya para sa mga kabataan.
Piliin ang kahulugan ng bawat salita na nakasalungguhit. Ibigay ang titik ng tamang sagot.
Hinagod ng matandang manananggol ang kanyang puting buhok.
a. hinaplos b. ginambala c. matalos
hinaplos
Ang mgan bayan lamang na dinadahas at inaalipin ang siya lamang walang karapatan humiling ng anuman sa kanyang panginoon.
a. salarin b. inaabuso c. nag-aatubli
inaabuso
Ipinaliwanag na mabuti ni Isagani ang kanyang pakay.
a. kabatiran b. layunin c. tinag
layunin
Ang matandang lalaki ay nag-aatubling magpatuloy sa pagsasalita at tuminig kay Isagani.
a. nag-aalinlangan b. pumapatnubay c. lumoklok
Subtopic
nag-aalinlangan
Ibigay ang kahulugan ng bawat salita gamit ang pinaghalo-halong salita.
IKAMUHI- IASKLMAKU
IKASUKLAM
NILIBAK- KIUNTUKYA
KINUKUTYA
KABATIRAN- KMNAALAA
KAALAMAN
TINAG- BIKO
KIBO
LUMUKLOK- OPUMU
UMUPO